WARNING!!!

If you are a Grammar Nazi better not read any article below. You might develop migraine due to grammatical glitches.

Monday, August 30, 2010

The Shy Girlfriend


Hi!

I know I sent this advice-seeking-letter via email. I'm your friend kaya sana i-anonymous mo nalang. :D Gusto ko sana sa text nalang kaya lang as we all know ang hirap mo kausap sa text. Hahaha. Anyways, ganito kasi yun. You know I have a boyfriend, right? And we've been together since highschool. So we're like 7 years na. Kaso there's this guy na nakafling ko nung time na nagkakalabuan kame ng boyfriend ko nung 2nd year college and it's not that I still like him pero kasi last month pa siya nanggugulo. I asked him to leave me and my boyfriend alone pero ayaw niya. Nagagalit siya kasi ginawa ko daw siyang panakip butas, eh nung time na yon alam naman niyang nagkakalabuan kame ng bf ko. Ngayon nanggugulo siya, kung ano-anong lies yung sinasabi niya about sa ameng dalawa na hindi naman talaga totoo. Natatakot akong baka one day masira yung relationship naming magboyfriend dahil sa kanya. At ang kinaiinis ko pa, ang tagal na na wala kameng communication. Duh! 2nd year college pa yun! Halos 3 years na nakalipas, tapos ngayon siya nanggugulo?! Anu gagawin ko??

-ANONYMOUS DAW
Sun 8/29/2010 7:13 PM



 

My Dearest Anonymous daw,

Alam ko very understanding ang boyfriend mo, kinausap mo ba siya tungkol dito? Ipaalala mo sa kanyang mahal mo siya and huwag na niyang pansinin ang nakalipas lalo na at kasinungalingan lang ang maririnig niya dito. Alam ko iintindihin ka niya at hindi niya papansinin yung pa-effect na fling mo nung college days. Hindi ko din alam kung bakit ngayon siya nagpapapansin, pero ang payo ko DEADMA lang teh! Pagsubok lang yan sa inyo ng boyfriend mo. Huwag niyo pansinin at mawawala din yan ng kusa. Parang kabute. Sa mga ganyang klaseng tao na mahilig manira, hindi bagay diyan ang pakiusapan. I think they were not thinking rationally kaya ginagawa nila ang mga bagay na ganyan. Kaya it won't make any sense kung kakausapin mo sila, hindi ka rin nila maiintindihan. You just have to close your eyes and ears. Parang celebrity at paparazzi lang yan. Huwag ka makipagcommunicate sa kanya at umiwas din kayong pag-usapan siya at mga pinagsasabi niya. Kasi pag binigyan niyo siya ng attention, matutuwa lang siya dahil ibinigay niyo ang gusto niya at lalo siyang mangugulo na pwedeng lumala at ikasira ng relationship niyo. Yun lang. :D

And thank you for letting everyone know that I don't know how to use a cell phone. Bitch! lol


 

XX

Mao

No comments: